Recommended Sites

Thursday, April 26

Pink Pussy - Short Story



http://kittenwallpaper.org/wp-content/uploads/wallpapers/cute-cat-playing.jpg
     "Pussy, Pussy,  nasaan ka?" ang tawag ni Lolo Nicholas sa kanyang alagang pusa.
     "Ikaw na lamang ang kasiyahan ko ay pinagtataguan mo pa ako."  At buong tiyagang hinanap ni Lolo Nicholas ang kanyang alagang pusa.
     "Aha. At nariyan ka lang pala" nang makita ang kanyang alaga.  Kinalong niya ito at buong pasuyong niyakap.  "Wag  mo na ko iiwan, ha?"
     Si Lolo Nicholas ay mahilig mag-alaga ng pusa.  Taliwas sa kanyang mga kapatid na aso ang gustong alaga.  "Very cute kasi ang mga pusa lalo na pag malinis at mataba."  madalas niyang sabihin sa amin.  
     Nagsimula siyang mahilig sa pusa buhat pa noong ika-pitong kaarawan niya kung kailan siya ay nakatanggap ng isang kuting buhat sa kanyang Lola Sisa. Simula noon ay nakapag-alaga na siya ng humigit kumulang sa sampung pusa hanggang sa siya ay magbinata.  Nanligaw siya kay Lola at napagkasunduan nila na mag-aalaga pa rin sila ng pusa kahit sila ay kasal na.  Kaya nga’t noong nawala si Lola ay pusa na lang ang inaatupag ni Lolo.
     "Lolo, bakit po pusa sa halip na aso ang iyong nakahiligang alagaan?" tanong ko sa kanya minsan.
     "Alam mo apo,  ang aso ay alaga mo pero ang pusa ay ikaw ang kanyang alaga.  Tingnan mo ang aso, isang tawag mo lamang ay lalapit na agad at laging kumekembot ang buntot.  Ang pusa kung minsan, kahit anong tawag mo ay di ka papansinin.  Kaya sinasabing ang tao ang alaga ng pusa."  pabirong sabi ni Lolo, sabay tawa ng malakas.
     Kaya laging hinahanap ni Lolo ang kanyang pusa.  Lagi niya itong hinihimas sa baba at naririnig ko ang parang tricycle na tunog ng hininga nito. Buong araw niya itong ginagawa hanggang gabi, bago matulog.
*****
     Alas tres ng umaga nang maalimpungatan ako. Bumangon ako at napansing bukas pa rin ang ilaw sa kwarto ni Lolo.
     “Siguro nakalimutan na naman ni Lolo ng patayin ang ilaw. Hay naku, ulyanin na talaga.”
     Nakabukas nang konti ang pinto. Dahan-dahan kong tinungo ang kwarto nang may marinig ako kakaibang ingay. Papatayin ko na sana ang ilaw nang mapansin ko si Pussy sa kama kasama ang isang pusa. Wala si Lolo.
     “Aba, dito pa kayo sa kama ni Lolo dumayo ng asal nyu ha.” sabay dampot at tapon palabas sa isang pusang hindi ko alam kung saan nagmula. Dali-dali din namang tumalon palabas si Pussy.
     Hinanap ko si Lolo sa loob ng bahay ngunit hindi ko siya nakita. Iihi lang sana ako nang marinig ko na naman ang kakaibang ingay na iyon. Ngunit sa pagkakataon ito ay sa labas naman ng bahay.
     Kabilugan ng buwan noon. Animo’y nag-aawitan ang mga kuliglig sa paligid. At sa gitna ng bakuran ay nakita ko si Lolo. Oo, si Lolo Nicholas. Ngunit tumindig ang balahibo ko nang makita ko ang kasayaw nya. Si Lola. Oo, buhay si Lola Pink.

http://us.123rf.com/400wm/400/400/oksanika/oksanika0912/oksanika091200039/6066528-silhouettes-of-man-and-woman-hugging-at-night-time-with-a-tree-silhouette-giant-beautiful-full-moon-.jpg

2 comments:

Gustong-gusto ko talaga to.. :)) Alam mo na kung sino ako..

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More