Recommended Sites

Saturday, April 28

The Asymptote Pizza Theory (Special Order)




“They don’t think that if they’re so fast, they might crash. And the result… DISASTER.”


Sa disensyo ng mundong ating ginagalawan, mayroong mga bagay na nararapat bigyan ng sapat na oras at panahon upang mangyari o magkaroon ng katuparan. In short, may mga bagay talaga na di pwedeng madaliin.

Kagaya ng pagbubuntis. Karaniwang inaabot ng siyam ng buwan bago tayo mailabas sa mundong ito. Eh paano kaya kung minadali kang palabasin ng nanay mo kasi tinatamad siyang buhatin ka ng siyam na buwan? O kaya naman ay sobrang excited syang makita ka kaya uminom sya ng GROWEE at CHERIFER para mabilis kang lumaki. Pampatangkad lang? Paano nga kaya kung ganoon ang nangyari. Di sana hindi mo to nababasa.

Madaming nagtatanong sakin, “May gf ka na no?” Sagot ko naman, “Huh? Bakit, kailangan ba? Anu ba yun, nakakain?” Tapos sasabihin nila, “Ako din wala pang bf.” Tinatanong ko ba? ha.ha.ha. Edi good, parehas tayong bitter, kaya better friends na lang.

Speaking of bf / gf / jowa / shota, I still feel awkward seeing young people having their relationship routine in public, with their hands holding while walking, pa sway-sway pa na para bang sila lang ang tao sa mundo… WAGAS!!! (Caps lock para EXTREME). And I don’t mind if you call me BITTER when I say, “Sus, maghihiwalay din yan.” (at mangyayari nga) Sino ngayon ang bitter? ha.ha.ha. Edi ngayon, ako ang better cause I know how to preserve my heart?

Back on the title. Bakit nga ba Asymptote Pizza Theory? Wala lang. Siguro gutom lang ako nang itina-type ko to. Pero hindi rin. Anu sa tingin mo?

Pizza. Di ba hinahati-hati ang pizza pag kinakain? Depende na lang kung kaya mo tong kaiinin ng buo. Sa paghahati nito, gagamit tayo ng kutsilyo o anumang matalas na bagay, pwede ring kamayin, kung matalas ang kuko mo. Pero hindi yun ang point ko, papasok dito yung pinag-aralan natin noong grade two sa math, yung FRACTION. May ½, ¼, 1/8, and so on…

Asymptote. Pinag-aaralan natin to sa algebra at sa analytic geometry kapag nagra-graph. Ayon sa wikipedia, an asymptote (/ˈæsɪmptt/) of a curve is a line such that the distance between the curve and the line approaches zero as they tend to infinity. Sa madaling sabi, parang ikaw at ako lang. Pwedeng maging close, pero di pwedeng maging tayo. BOOOOOM!!!

Ayon sa Asymptote Pizza Theory, lahat ng tao ay may isang puso lang, literally and figuratively. Ang puso ay isang organ na nagpa-pump ng dugo sa iba’t ibang parte ng katawan, literally. Pero figuratively, puso ang pinanggagalingan ng iba’t ibang emosyon ng tao, lalo na ng pagmamahal. At dahil isa nga lang talaga ang puso natin, isa lang dapat ang pwedeng mag may-ari nito.

But here’s the scenario:
Ang mga kabataan ngayon ay masyadong nagmamadali. (hindi naman kasi mauubos ang tao sa mundo, pwera na lang kung Armageddon na). May nakita ka lang na maganda, sexy, or any characteristic na hinahanap mo sa isang tao, akala mo agad, yun na! Kukuhanin agad ang number, tapos textmate, then chat-chat, after that wala nang ligaw-ligaw, M.U. na agad! Eh anu pa bang ie-expect natin? Next part is having a relationship.

And that’s the common mistake of youth nowadays. They’re entering a relationship without valid reasons (JUST THEIR FEELINGS). They always trust their own feelings, not knowing that feelings are not always genuine. Many of them are illusions of flesh. Pero masaya ka naman, in love eh. Then, biglang papasok yung AWAY-BATI, AWAY-BATI, at kapag tumagal, AYAW-BATI! And then, BREAK na!!! (buti sa klase no? masaya kapag break). Tapos iiyak ka!

Back on the theory, isa lang ang puso ng tao, right? And the time na nagbreak kayo ng taong nakarelasyon mo, kalahati ng puso mo ang naiiwan sa kanya (don’t take it literally, nakakatakot yan :D). So, ilang puso na lang meron ka? ½ di ba?

Pero maghihilom din naman ang sugat ng kahapon. Yun nga lang, di na maibabalik ang nawala na (try mo kayang isuka ang PIZZA, let’s see kung makakain mo pa ulit!). Then, nakamove-on ka na, handa na muling maghanap ng iba. At sakto ngang nakahanap ka ng mas maganda, mas sexy o kung ano mang nagustuhan mo. Dumaan din kayo sa same process kagaya ng nauna, at yun na nga! KAYU NA!!! MABUHAY!!! Pero nakalimutan mo na bang kalahati na lang ang puso mo??? So, kalahati na lang din ang pagmamahal na maibibigay mo??? Sa tingin mo ba masisiyahan siya kung ½ lang ang ibabalik mo sa isang buong puso nya??? Natural HINDI!!! Kaya IIWANAN ka din nya!!!

So ano na??? ¼ na lang ang puso mo!!! Paano yan??? Pero dahil atat na atat kang hanapin ang taong makakasama mo habang buhay, papasok ka nang papasok sa isang relasyon. And the process will goes on and on and on. At first, you have a whole heart. Then ½, ¼, 1/8, 1/16, 1/32, 1/64… and so on. Meaning, kahit gaano kadami na ang nakarelasyon mo, pwede ka pa ring mag magmahal muli, pero paunti na lang nang paunti ang maibibigay mo sa pagdami ng humahati sa puso mo. Like an asymptote, it approached 0 or nothing, but never touched it.

But here’s the problem:
What if nakita mo na ang taong pakakasalan mo? Binigay na ni God yung taong makakasama mo habang buhay (atat na atat ka kasi!). PERO SA TINGIN MO BA, MAY MAIBIBIGAY KA PA BA KUNG ANG PUSO MO’Y TIRA-TIRAHAN NA LANG NG IBA??? At dahil hindi mo maibigay yung buong puso mo, the relationship will not work. Either it’s because of you, or because both of you (if your partner goes with the same cycle).

But still, the suffering will not end there. Your children will inherit those characteristics even though it is not genetically transmittable. Kasi yun ang nakita nila sa inyo. MASAKIT di ba? Kasi yun yung TUNAY...

This is a big problem in the society today. Youth tends to make things in a fast forward mode. They don’t think that if they’re so fast, they might crash. And the result… DISASTER!!! They are just wasting their time to someone they are not sure of spending their whole life with. Why not cherish the days of their youth in a productive and memorable manner? Why not spend time with God, family, studies, sports and bonding with friends? If we do, in the end, no one will suffer.

SO FROM NOW, PRESERVE YOUR HEART FOR SOMETHING EXTREME AND SPECIAL!!! MALAY MO, AKO LANG PALA HINAHANAP MO??? MAHIYA KA NAMAN!!! BUO PA ANG PUSO KO!!! :D

Don't let the excitement of youth cause you to forget your Creator. Honor him in your youth before you grow old and say, "Life is not pleasant anymore."
~Ecclesiastes 12:1

2 comments:

buo pa ba? hehe... 1/2 na din ata, haha... anyway, congrats. nice... nice... nice... - senpai

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More