Ako’y nilikha
mula sa dalawang apoy na
pinagdikit.
ikinulong ng limang buwan
bago iwanan sa sulok ng
kadiliman.
At sa pagtuntong ng
ika’siyam,
gagapangin kita.
Ako’y itinali
sa isang nilalang na kauri
subalit nagsawa rin at mula sa kadiliman
nanuot sa aking katawan
ang kakaibang pwersang kumawala
mula sa tansing nakabigkis
ang kakaibang pwersang kumawala
mula sa tansing nakabigkis
At ngayong ako’y malaya na
maghahanap na ako ng iba.
Ako’y nagkasala
sa aking pangungutang
sapagkat hindi ko napunan
ang puwang ng kawalan.
ang puwang ng kawalan.
Kaya ang kabayaran—
kamatayan.
Wag kang magsaya
sapagkat bago ako hatulan,
isasama kita sa aking
libingan.
P.S. Iyo ang huling patak.
Akin ang huling halakhak.






0 comments:
Post a Comment