Kinailangan ko pa talagang magtampisaw sa ulan, madulas at masugatan maka-isip lang ng mai-tatype tungkol sa araw na ito.
Di ko napansin, May na pala. At ang ulan palang dumampi sa aking mga balat ay unang ulan ng May, na sinasabing nakapag-papagaling daw ng mga karamdaman. Marami pa din palang naniniwala dito. Noon siguro, pwede pa. Pero ngayon, di na siguro. Kasi sa panahong ito, hindi na totally safe ang ulan, sobrang dami nang pollutants sa hangin at sa sandaling umulan, acid rain na ang kalalabasan. Meron namang ibang tao na na nagtitipid lang sa tubig, kaya mas pinipili yung libre. Wika nga ng mga kuripot "Wala nang mas sasarap pa sa libre". Yung iba naman, sume-segway lang sa ulan para makapagdrama. Yun tipong pupunta lang sa ulan para umiyak. At least, magagawa mong ilabas ang nararamdaman mo nang walang nakakapansin. Ayos lang yan, WALANG BASAGAN NG TRIP!!!
Speaking of "pagtatampisaw sa ulan", wala sa tatlo ang dahilan kung bakit ko pinili ang ulan kesa sa ordinaryong ligo lang. Sa init ba naman ng panahon ngayon, kahit sino maaaning kapag umulan ng malakas, pwera lang dun sa mga piniling matulog na lang ng mahimbing. (At least hindi sila magigising ng pawisan ang likod). Eh anu nga bang naisipan ko? Wala lang... Gusto ko lang talagang baguhin ang nakaugalian ko na, ang boring kasi. MAIBA NAMAN.
Masunurin akong bata. Tumatawid ako sa tamang tawiran. Pero minsan, di ko din maiwasan na hindi sumunod. Ang boring kasi! Walang thrill sa pedestrian lane kasi kusang tumitigil ang mga sasakyan. Eh kung dun ka sa bawal, ikaw mismo ang magpapatigil sa sasakyan o kaya naman ay kung desperado na yung driver, matuto kang tumakbo. MAIBA NAMAN.
Madami ding nagtatanong sakin kung bakit ko pinahaba ang buhok. Di ko din maintindihan ang mga prof ko sa tuwing sasabihan nila ang mga kaklase ko na magpagupit, samantalang pag sakin, natutuwa pa sila??? Pero hindi naman talaga dapat pinapakialaman ng mga prof ang buhok ng mga estudyante nila, pwera na lang kung nakakasagabal ito sa pagdaloy ng dugo sa utak. Eh anu nga bang naisipan ko at nag-pahaba ako ng buhok? Kahit ako di ko din alam eh. Siguro dahil na din sa nagdaang lagi na lang maikli ang haircut ko. At least, sa buong buhay ko, naging kakaiba ako. MAIBA NAMAN.
OK LANG NAMAN KUNG HALUAN MO NG IBANG KULAY ANG BUHAY MO, HUWAG KA LANG SOSOBRA. DAHIL MINSAN, SA HANGAD MONG MAIBA, DI MO ALAM NA KAKULAY KA NA RIN NILA.




0 comments:
Post a Comment