Salamat.
Masarap kumain lalo na kung masarap ang pagkain. Pero minsan, gaano man kasarap ang pagkain, di mo mafeel. Lalo na kung may dinadamdam kang sakit.
KJ talaga ang SINGAW. Yung feeling na di mo magawang nguyain nang maayos ang pagkain mo dahil sa SAKIT!!! HOOOH!!! CAPS LOCK PARA MAY FEELINGs... Kung bakit ba naman lagi kong nakakagat ang labi ko (siguro maraming nakakaalala sakin). At di pa nakuntento ang KJ na SINGAW. Nagsama pa ng LAGNAT, SAKIT NG TENGA, SAKIT NG KATAWAN, SAKIT NG ULO at ALLERGIC REACTION NG MATA. Dagdagan pa ng TONSILLITIS at UBO... AYUS!!!
Boring ang magpahinga. Kaya heto ako ngayon, nagta-type, kahit walang maisip dahil sa sakit ng ulo. Napi-feel ko ang daloy ng dugo sa aking utak at ang pagkalog nito sa aking bungo. Ako pa naman yung tipong sinasaktan ang parte ng katawang masakit. ha.ha.ha. Hindi ko naman mapayuhan ang sarili ko dahil wala akong maisip na tama. Magdadasal na lang ako. At least, laging may sasagot.
Masarap mabuhay lalo na kung nagagawa mo anumang gustuhin mo. Pero minsan, gaano man kasarap ang buhay, di mo mafeel. Lalo na kung may dinadamdam kang sakit.
Salamat na lang sa Panginoong Diyos at sinisikatan pa rin ako ng araw. Ayus lang kahit may sakit akong dinadamdam, lilipas din to. Salamat din sa dalawang sugpo na ulam ko kanina. Kahit paano nafeel kong kumain. Pero tunay naman talaga. Hindi natin hawak ang buhay natin. Ang Diyos ang nagbigay nito at Siya lang din ang may alam kung kelan Niya ito kukunin. Kaya habang buhay tayo, matuto tayong magpasalamat sa mga biyaya Niya satin. Malay mo, sa sandaling binabasa mo na ang kabaduyang ito, wala na pala ang taong nagtype nito.
Do not be anxious about anything, but in every situation, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God. And the peace of God.
~Philippians 4:6-7
Salamat dahil hindi mo na hinintay ang 2095 para basahin to.




0 comments:
Post a Comment