Recommended Sites

Thursday, May 3

Labintatlong Pasasalamat



Sa 13 buwang pamamalagi mo sakin na naging parte ng 17 taong pamamalagi ko sa sangkamunduhan, hayaan mong alayan kita ng 13 pasasalamat.


1. Salamat dahil ginawa mo akong kakaiba…

2. Salamat sa mga oras na meron akong nagagabutan, lalo na kapag exam ng solid at analytic…

3. Salamat sa panahong ipinadama mo na ako si Einstein, o kung hindi naman, si Newton…

4. Salamat sa one whole year and a month na natipid ko sa di pagpapagupit…

5. Salamat dahil naging madali sakin ang matandaan ng mga prof ko…

6. Salamat sa mga panaginip na walang kasing sweet…

7. Salamat sa mga buhol mo na kinakalas ko pag wala akong magawa…

8. Salamat dahil sa buong buhay ko, naging rockstar ako…

9. Salamat dahil ginampanan ko si Jesus, kahit sa classroom presentation lang…

10. Salamat dahil nagmukha daw akong artista, o kung hindi naman, foreigner daw…

11. Salamat dahil pinataas mo ang aking self confidence…

12. Salamat sa mga profile pic ko sa facebook…

13. Salamat sa mga memories…



Mamimiss kita.
Paalam.
Hanggang sa uulitin.
Para sayo ang chorus ng Minsan by Eraserheads.


Ngunit ngayon, kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan.


P.S. ANG INAY NGA NAKAKAREQUEST, IKAW PA…


3 comments:

lhat kaya ni Samson bsta para kay Delilah... BOOM!

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More